ISULAN, Sultan Kudarat—Sa kabila ng pahayag ni Atty. Kendatu Laguialam, Election Supervisor ng Sultan Kudarat, na nakatitiyak ang kanyang tanggapan na magkakaroon ng mapayapang na halalan sa lalawigan, hindi kumpiyansa rito ang Philippine National Police at Philippine Army at binabantayan ang mga posibleng “hotspots” sa halalan sa Mayo.

Bagamat may ilang mga pangyayari tulad ng hidwaan ng ilang grupo, tiniyak ng 601st Infantry Brigade ng Army sa pamumuno ni Colonel Melquiadeaz Feliciano na patuloy ang kanilang hakbangin katuwang ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang usapin.

Sinabi ni Police Senior Superintendent Danny L. Reyes, PNP director sa Sultan Kudarat, na patuloy ang kanilang pagtutok sa ilang armadong grupo sa mga bayan ng Columbio, Lambayong, President Quirino, Esperanza, Palembang, Lebak at Senator Ninoy Aquino ng lalawigan.

Batay sa huling pulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Sultan Kudarat, halos wala namang naitalang kaguluhan na sangkot ang mga armadong grupo sa lalawigan nitong huling bahagi ng 2015. (LEO P. DIAZ)

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling