Spike for Peace_JPEG (page 15 banner story) copy

Spike for Peace Quarterfinals (Disyembre 2)

2PM NED vs BRA

3PM INA vs ESP

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

4PM JPN vs NZL

5PM THA vs SWE

Tulad ng inaasahan ay agad napatalsik ang mga koponan ng Pilipinas na sumabak sa pinakaunang edisyon ng Spike for Peace International Beach Volley Tournament na ginaganap sa PhilSports Arena.

Habang isinusulat ito ay pinaglalabanan na ang mga silya sa semifinals sa apat na pares na laro kung saan una ang Netherlands kontra Brazil sa gaganap 2:00 ng hapon bago sinundan ng Indonesia kontra Spain sa ganap na 3:00 ng hapon.

Ikatlong maghaharap ang Japan kontra New Zealand sa gaganap na 4:00 ng hapon bago ang panghuling salpukan sa pagitan ng Thailand at Sweden sa ganap na 5:00 ng hapon.

Hindi pinayagan ng top-seed na Spain sa pamumuno ni Amaranta Fernandez na makagawa ng sorpresa ang Team Philippines A matapos itala ang 21-14 at 21-10 panalo upang patalsikin ang dalawang koponan ng host na bansa.

Umiskor ang 6-foot-2 na si Fernandez ng 19-puntos, 15 sa attack at apat sa service winners, upang gibain ang pares nina Alexa Micek at Charo Soriano sa pagpapalasap ng ikatlong kabiguan sa tatlong laro sa torneo.

Ang panalo ay ikalawang sunod ni Fernandez kasama si Ester Ribera na nagulantang sa pagkalasap ng kabiguan kontra Australia B noong Linggo.

Bumawi naman ang pareha sa tatlong set na panalo kontra Netherlands.

Ang kabiguan ay ikatlo para kina Micek at Soriano na unang nabigo sa straight-sets kontra Thailand at New Zealand.

Ang Team B nina Danika Gendrauli at Norie Jean Diaz ay agad din nabigo sa kanilang tatlong laro matapos mabigo kontra Sweden, Japan at Brazil upang mapatalsik sa torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission.