Hinihikayat ng Social Security System ang mga Pilipino na mag-impok sa Personal Equity and Savings Option (PESO).

Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, sinabi ni Atty. Marichelle Reyes, OIC ng Voluntary Provident Fund, magandang investment para sa kinabukasan ang PESO dahil malaki ang tubo rito -- umaabot sa 3.65 porsyento ang kikitaing interest kumpara sa bangko na wala pang isang porsyento.

Sinabi ni Reyes na lahat ng nasa edad 54-pababa ay maaaring mag-enroll sa PESO at mag-impok ng P1,000 hanggang P100,000 kada taon. Magsisimulang aani ang tubo sa sandaling nag-impok sa PESO at patuloy na kikita hanggang sa pagtermino ng enrolment na itinakda sa retirement age na 60 anyos maliban sa mga minero na pinapayagan sa edad na 55.

Idinagdag ni Reyes na maaaring mag-withdraw ng hindi lalagpas sa 35 porsyento ng inilagak na pera kapag kinailangan sa emergency. (Mac Cabreros)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'