Pinaalalahanan ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) ang publiko na iwasang magdala ng mga bagay na ipinagbabawal gaya ng patalim at armas kapag sumakay ng tren.

Ginawa ng LRT Administration (LRTA) ang paalaala matapos makumpiska ng mga awtoridad ng iba’t ibang uri ng deadly weapon noong nakaraang buwan.

Kabilang sa ipinagbabawal na dalhin ang Swiss knife, balisong, cutter, kutsilyo, bala at baril gayundin ang sumasabog na kemikal at paputok.

Iginiit din ng LRTA na iwasang uminom ng nakalalasing o gumamit ng ipinagbabawal na gamot kapag sumakay ng tren, magdala ng mamahaling alahas at malaking halaga ng pera at ingatan ang mga gamit.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Binigyan-diin ng LRTA na kanilang ginawa ang hakbang para sa kapakanan ng mga pasahero. (Mac Cabreros)