PANIQUI, Tarlac – Isang limang taong gulang na babae ang pinagtulungan umanong abusuhin ng isang apat na taong gulang at isang 11-anyos na kapwa lalaki sa Barangay Matalapitap, Paniqui, Tarlac.

Sinabi ni PO1 Joan Payad na naglalaro ang biktima nang kumbinsihin ito ng isa sa mga suspek na pumasok sa bahay nito.

Napaulat na hinalay ng 11-anyos ang biktima, habang nakisawsaw din umano sa pang-aabuso ang apat na taong gulang na lalaki sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghalik sa kapwa paslit.

Dahil pawang menor de edad ang sangkot, idinulog na ng pulisya ang kaso sa tanggapan ni Eugene Galanga, ng Municipal Social Welfare and Development Office. (Leandro Alborote)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol