Laro ngayon
MOA Arena
3:30 pm FEU vs.UST
Final showdown ng FEU vs UST.
Sino ang mananalo, España o Morayta?
“Mental toughness.”
Ito ang nakikita ni University of Santo Tomas (UST) coach Bong de la Cruz na magiging pinakamahalagang bagay na magsasalba alinman sa kanila ng katunggaling Far Eastern University (FEU) sa winner-take-all Game Three ng UAAP Season 78 men’s basketball finals ngayong hapon sa Araneta Coliseum.
“Pagod na yung mga player so tingin ko magkakatalo na lang sa mental toughness. Kung sino yung buo ang composure at matatag ang poise hanggang dulo yun ang malaki ang pag- asang manalo,” pahayag ni De la Cruz.
Ayon pa sa UST mentor, sisikapin nilang hindi masayang ang paglipat sa kanila ng momentum.
Tatangkain naman ng kanilang kapitan na tinawag na co- MVP ni Kiefer Ravena na si Kevin Ferrer na muling gawing motivation ang kanyang kagustuhang umuwi at magtapos ng masaya at hindi luhaan.
“Last game ko na ito sa UAAP, at ayaw kong matalo, ‘yun ang iisipin at gagawin ko,” ani Ferrer na siyang nagpasimuno sa pagbalikwas ng Tigers sa third quarter noong Game Two kung saan umiskor ito ng 24-puntos para ibigay ang kalamangan sa UST.
“Let’s see if they’re tough,” pahayag naman na tila hamon ni Tamaraws coach Nash Racela na tinutukoy ang sinasabing mental toughness ng katunggaling coach na si Bong de la Cruz.
Naniniwala si Racela na babawi ang kanyang mga beteranong player partikular si Mike Tolomia na walang naibuslong field goal noong Game Three mula sa kanyang 15 attempt.
“I’m sure they’ll comeback stronger the next time,” ani Racela.
“We missed 15 free throws and we shot 27 percent from the field. If we can correct a few of those things, we have a better chance,” dagdag pa nito.
Bukod kay Ferrer, sasandigan din ni De la Cruz sina Karim Abdul, Jon Sheriff, Ed Daquioag at Louie Vigil.
Sa kabilang dako, inaasahan namang makakatulong ni Tolimia sina Mac Belo, Roger Pogoy, Russel Escoto at Achie Iñigo.
(MARIVIC AWITAN)