Binalaan ng Department of Education (DepEd) ang publiko kaugnay ng isang nagpapanggap bilang si Education Secretary Bro. Armin Luistro para makapanloko.

Sa abiso ni Asec. Tonisito Umali, pinag-iingat ng kagawaran ang sambayanan dahil may impostor na tumatawag sa mga indibiduwal at grupo, partrikular sa mga katuwang sa mga proyekto ng DepEd, na humihingi ng donasyon.

Sinabi ni Umali na nadiskubre ang modus makaraang tumawag ang isang lalaki, na kaboses ni Luistro, sa mga regional office para hingiin ang contact numbers ng mga DepEd partner, gaya ng mga contractor, supplier at industriya. Nang makuha ang impormasyon, tinatawagan ng impostor ang DepEd partners at hinihingan ng donasyon para sa ilang charity projects.

Ayon kay Umali, sa kabutihang palad ay wala pa namang nabiktima ang impostor na gumagamit ng mga numerong 0977-7976819 at 0977-7976818. (Mac Cabreros)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget