Nanatiling walang talo ang National University (NU) matapos na natalo ng University of the East (UE), 89-33, sa UAAP Season 78 juniors’ basketball tournament sa Blue Eagle gym.

Nagposte ng 18-puntos at 5 rebound si John Lloyd Clemente habang nagdagdag naman si Muhammed Sarip ng 14-puntos at 9 na rebound para pamunuan ang Bulldogs sa pagsagpang sa kanilang ikalimang sunod na panalo.

Sa iba pang mga laro, nagposte ng 19-puntos si Jolo Mendoza upang pamunuan ang defending champion Ateneo sa paggapi sa UP Integrated School, 74-67.

Nagtala naman si Aljun Melecio ng 17- puntos para sa De La Salle-Zobel to a 67-55 nang pasadsarin nito ang Far Eastern University (FEU)-Diliman, habang pinataob naman ng Adamson University ang University of Santo Tomas, 76-45.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil dito, magkasalo pa rin ang Blue Eaglets at ang Junior Archers sa ikalawang puwesto taglay ang barahang 4-1, panalo- talo.

Bumagsak naman ang Baby Tamaraws sa 3-2, kartada habang bumaba ang Tiger Cubs kapantay ng kanilang tormentor na Baby Falcons sa 2-3 baraha.

Samantala, nanatili namang walang panalo ang Junior Maroons at ang Junior Warriors matapos ang limang laro.

(MARIVIC AWITAN)