LIPA CITY, Batangas – Namatay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa loob ng peryahan sa Lipa City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Danilo Caraig, na agad namatay sa insidente matapos tamaan ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:30 ng umaga nang pagbabarilin ng suspek si Caraig sa peryahang sakop ng Barangay Sabang sa lungsod.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang suspek, habang iniimbestigahan kung ano ang motibo sa pamamaril. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog