Mga laro ngayon
3 p.m.Blackwater vs, Globalport
5:15 p.m. Barangay Ginebra vs. Rain or Shine
Asam ng Rain or Shine kontra Ginebra.
Makapantay ng namumunong Alaska sa liderato ang tatangkain ng koponan ng Rain or Shine sa kanilang pagsagupa sa crowd drawer Barangay Ginebra sa tampok na laban ngayong hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Habang sinusulat ang balitang ito ay magkasalo sa ikalawang posisyon ang Elasto Painters at ang defending champion Beermen na posibleng bago matapos ang araw kahapon ay nakatabla na sa Aces sa barahang 6-1, panalo-talo, kung maipapanalo nito ang kanilang laban kontra Star.
Matapos malasap ang unang kabiguan sa kamay ng Batang Pier noong nakarang Nobyembre 13, nakadalawang panalo na ang Elasto Painters pinakahuli kontra Barako Bull noong nakaraang Biyernes sa iskor na 110-104.
Ngunit dahil sa bentahe sa ceiling ng kanilang katunggaling Kings, sinabi ni ROS coach Yeng Guiao na mag-iiba ang kanilang atake sa laban kumpara sa nagging istratehiya nila kontra Barako Bull kung saan inasahan nila ng husto sa depensa ang kanilang mga guwardiya.
“We have a day to prepare for Ginebra on Sunday. They’re a lot bigger than we are SO the approach will be totally different,” ani Guiao na sa pagkakataong ito ay aasa sa kanyang mga big men bagama’t dehado pa rin sa laki kung ikukumpara sa mga higante ng Kings na sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar na sina raymund Almazan, JR Quinahan, Beau Belga at Jewel Ponferrada sa depensa.
Nakabalik naman sa winning track makaraan ang huling panalo kontra Globalport noong nakaraang Nobyembre 25, tatangkain ng Kings na kumalas at kasalukuyang pagkakatabla nila ng NLEX sa ika-apat na posisyon hawak ang barahang 4-3, panalo-talo.
Sa kasaluyan ayon kay Ginebra coach Tim Cone, sinisikap nilang magawang solido ang kanilang teamwork sa bawat laro.”Every game os different, we’re just trying to play as a unit.”
Mauuna rito, kapwa naman magkukumahog na makapasok muli sa win column at makaangat sa kasalukuyang kinalalagyang posisyon sa team standings ang kapwa tatangkain ng Globalport (3-3)at Blackwater (1-5) sa pagtutuos nila sa unang laban. (MARIVIC AWITAN)