SA pangalawang pagkakataon, muling iho-host ng Quezon City ang pagsasagawa ng pinakamalaking Pride celebration, ang pagsasama-sama ng LGBT groups.

Umaasa ang LGBT community na mas malaki ang selebrasyon lalo’t mayroon na ngayong Implementing Rules and Regulations (IRR) of the Quezon City Gender-Fair Ordinance.

Sa Linggo, December 6, gaganapin sa City of Stars ang 2nd QC LGBT Pride March sa Tomas Morato, sa tulong ng Quezon City Pride Council (QCPC). Itatampok after Pride March ang naka-line up na activities, at labanan ng UnKabogable floats. Magkakaroon ng awarding sa competition winners, LGBT fashion at magtatapos ito sa most-awaited Jungle Party Circuit. 

Sasali sa parade ang iba pang LGBT groups and community-based organizations and allies mula sa iba’t ibang siyudad at mga probinsiya. Nagkumpirma nang sasali sa Pride March ang LGBT groups mula sa Vigan, Mandaluyong, Malabon, Marikina. 

'Di talaga, mamatay man!' Heart, wala raw pinagawa sa mukha maliban sa isa

Lahat ng celebrities na mag-a-out ay tatanggap din ng mga parangal. 

Ang theme ng Pride March this year ay “Magkakaiba at Nagkakaisa” o “Diverse and United.” Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, ang celebration tulad ng Pride March ay isang paraan para maisakatuparan ang mga layunin ng LGBT groups.

Last Friday ang public announcement kung saan sa Tomas Morato magsisimula ang Pride March, pero sinisiguro nilang walang maapektuhan ng trapik dahil pangangasiwaan ito ng Quezon City Police District at Metro Manila Development Authority (MMDA). Hindi maapektuhan ang Quezon Avenue at EDSA. Sisiguraduhin din nila na walang negosyong maaapektuhan, sa halip ay makatutulong pa sila, sa establishments sa kahabaan ng Tomas Morato.

Nagpapasalamat ang LGBT group sa mga naniniwala sa kanilang cause. This year, kasama na nila ang MOOVZ, ang largest LGBT Social network platform at ang Jungle Party Circuit. Ayon kay EJ Ulanday, ang chairman ng Pride March 2015, nagagalak at excited sila sa pakikipagtulungan nila sa MOOVZ at Jungle Party Circuit sa kanilang panawagan na “kilalanin at igalang ang karapatan ng LGBT at tapusin na ang karahasan laban sa LGBT people.” (NORA CALDERON)