Isang 23-anyos na tomboy, na sinasabing harap-harapang niloko ng kanyang nobya, ang namatay matapos siyang uminom ng silver cleaner sa Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rea Zapanta, ng 196 Velasco Street, Barangay 7, Sangandaan, na pinaniniwalaang nagpakamatay dahil sa matinding pagseselos.

Isinugod pa sa Manila Central University (MCU) Hospital si Zapanta ngunit namatay din habang ginagamot.

Nauna rito, batay sa report, nakikipag-inuman si Zapanta kasama si Rose Maine Maninang, 21, dancer, umano’y nobya ng una, kasama ang ilan nilang kaibigan sa loob ng bahay ni Zapanta.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Inabot ng madaling araw ang inuman, hanggang sa mapansin ni Zapanta ang pagiging malapit ni Maninang sa isa sa mga kainuman nilang lalaki.

Labis umanong nagselos si Zapanta, at dakong 5:30 ng umaga ay pumasok sa banyo hanggang madiskubre ang paglalason nito. (ED MAHILUM)