Maaaring ipuwesto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang bagong fighter jets sa mga air base malapit sa mga pinag-aagawang isla at bahura sa West Philippine Sea, ayon sa isang mataas na Defense official.

Sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang mga air base sa San Fernando sa Pampanga, Subic at Puerto Princesa City sa Palawan ay kaagad naisip na posibleng himpilan ng mga fighter jet, ang dalawa ay dumating kahapon.

Ang tatlong air base ay matatagpuan malapit sa Spratlys kung saan ilang bansa ang mayroong overlapping claims, kabilang na ang China na gumawa na ng artipisyal na isla at nagtayo ng mga istruktura.

Bumili ang Pilipinas ng 12 eroplanong pandigma mula South Korea sa halagang P19 billion, at inaasahang makukumpleto ang delivery sa 2017.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sinabi ni Gazmin na maglalaan ng hiwalay na pondo ang AFP para bumili at maikabit ang mga armas sa mga eroplanong pandigma. (Aaron B. Recuenco)