HANGGANG ngayon ay usap-usapan ang pagiging nega ng isang aktres. Pati na ang isang maimpluwensiyang TV host ng isang kilalang istasyon ay may hindi ring magandang sinabi tungkol sa isang aktres na tumanggap ng award kamakailan lang.

May binanggit daw ang naturang TV host sa isang showbiz celebrity na malapit sa negang aktres na iwas-iwasan ang pagpapakuha ng picture na kasama ang negang aktres kung ayaw nitong mahawaan ng kanegahan, huh!

Kaya biglang ipinakansela ng kilala rin namang showbiz celebrity ang mga nakaplano sanang lakad nilang dalawa ng negang aktres. Ikinatwiran na lang daw ng huli na may mga bago siyang gagawing proyekto sa network na pinaglilingkuran.

Nang makakuwentuhan namin ang celebrity na malapit sa negang aktres ay hindi niya itinanggi ang isyung ito na nakarating sa amin, pero hindi naman daw niya basta na lang babalewalain ang relasyon nila ng negang aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ang hirap kasi sa kanya, instead na ayusin ang inumpisahan niyang gulo sa isa pa namang kamag-anak na aminin na nating pinagkakautangan din naman niya ng loob, eh, lalo pa yata niyang pinapalaki nang husto,” sey ng nakausap naming celebrity.

Nakarating na rin sa kaalaman ng nakausap naming celebrity na tuluyan na nga raw yatang ipinapa-ban sa bahay ng maimpluwensiyang kamag-anak ang negang aktres. (JIMI ESCALA)