UAAP_Final_08_Dungo,jr_251115 copy

Makalipas ang mahigit tatlong dekada ay muling nagtagpo ang dalawang koponang Far Eastern University (FEU) at University of Santo Tomas (UST) sa finals ng UAAP men’s basketball tournament.

Kung karanasan ang pagbabatayan, walang itulak-kabigin dahil kapwa may karanasan ang dalawang koponan sa pagpasok sa finals sa nakalipas na tatlong taon, ang Tigers na nag back-to-back finals appearance noong 2012 at 2013 habang noong isang taon naman ang Tamaraws kung saan nagtapos silang kapwa runner-up sa kani-kanilang mga nakatunggali.

Kung sa opensa naman ang pag- uusapan, bahagyang may bentahe ang Tamaraws partikular sa perimeter habang panlaban naman ng Tigers ang kanilang depensa na siyang naging susi ng pagpasok nila sa finals.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon sa ilang mga UAAP coach, partikular sina National University (NU) coach Eric Altamirano at Ateneo coach Bo Perasol, klasikong pagtatapat ng opensa kontra depensa ang inaasahan nila sa best-of-3 finals showdown.

Gayunman, solido at talagang panlaban ang first five ng UST ngunit kung ikukumpara sa bench ng FEU, higit na malalim ito.

Pagkatapos nina Mike Tolomia, Mac Belo , Roger Pogoy, Raymar Jose at Achie Iñigo, meron pa silang Russel Escoto, Ron Dennison, Prince Orizu, Monbert Arong at Francis Tamsi.

Ngunit, kung sila ang magdidikta ng tempo ng laro, dito na aangat ang UST lalo’t mabibigyan ng tsansang makapagpahinga ang kanilang starters lalo na ang 1-2 punch na sina Kevin Ferrer at Ed Daquioag sa tulong nina Kent Lao, Marvin Lee at Mario Bonleon.

Matapos ang Game One kahapon, magaganap ang Game Two sa Araneta Coliseum ganap na 3:30 ng hapon sa Sabado at kung sasagad ito ng Game Three, babalik sila sa MOA sa susunod na Miyerkules. (MARIVIC AWITAN)