DAVAO CITY – Matapos kumpirmahin ang kakapusan ng supply ng kuryente sa Mindanao, batay sa pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sinabi ng Davao Light and Power Company (DLPC) na magpapatupad ito ng tatlo hanggang apat na araw na rotating brownout simula nitong Lunes sa mga lugar na sineserbisyuhan ng kumpanya.

Sinabi ni Arturo Milan, chief operations officer ng DLPC, na ang rotating brownout ay dahil sa scheduled at unscheduled na pagsasara ng mga pangunahing planta ng kuryente sa Mindanao.

Bukod dito, sinabi ni Milan na magpapatupad din ng Preventive Maintenance Service (PMS) ang 105 MW one-unit ng STEAG coal-fired power plant sa Misamis Oriental.

Aniya, ipatutupad ang apat na oras na rotating brownout sa mga kostumer ng DLPC hanggang sa makumpleto ang PMS ng STEAG at magbalik sa normal ang operasyon nito. (Alexander Lopez)
Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!