Umabot sa rekord na 215 ang bilang ng mga nagsipag-apply na kinapalolooban ng 26 na mga Fil-foreign player para makipagsapalaran sa darating na 2015 PBA D-League Rookie Draft.

Nangunguna sa listahan ang Fil-American na si Avery Scharer, isang unrestricted NBA free agent na nanguna sa ASEAN Basketball League sa assist at steal last season ng mga draft hopefuls na sasalang sa Draft sa Disyembre 1, ganap na alas-2 ng hapon sa PBA Café sa Ortigas, Pasig City.

“Wow. This is a huge pool. Certainly, this is an encouraging development for the league and basketball in general,” ani PBA Commissioner Chito Narvasa.

“With a pool this big, I’m sure there’s a lot of talent out there. And who knows, maybe this batch could lead to new discoveries for future Gilas pools,” dagdag into.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magbubukas ang ika-6 na taon ng PBA D-League sa Enero ng papasok na taon kung saan may pitong koponan ang lalahok sa season opener Aspirants’ Cup na kinabibilangan ng Café France, Tanduay Light, AMA University, Racal/Keramix Mixers, Wangs Basketball, UP-QRS/Jam Liner at Mindanao Aguilas.

“With a lot of new faces this will be another exciting season for the D-League,” ayon pa kay Narvasa, na itinaas ang eligibility age limit ng mga puwedeng maglaro sa liga hanggang 30- anyos.

Ang Racal/Keramix, na nagtapos na pang-siyam sa nakaraang Aspirants’ Cup at 8th sa Foundation Cup, ang may hawak ng No.1 pick sa draft.

Pagmamay-ari naman ang second pick ng AMA University, na susundan ng Tanduay Light, Café France at Wangs Basketball para sa 3rd, 4th at 5th.

Ang UP-QRS/Jam Liner at Mindanao Aguilas naman ang kukuha ng sixth at seventh overall pick.

Samantala, itinalaga ang requirement para sa lahat ng mga gustong makasali sa susunod na PBA Rookie Draft ang paglalaro ng full season sa PBA D-League.

Ang 29-anyos na si Scharer, produkto ng Shoreline Community College sa Washington, at naglaro sa Westports Malaysia Dragons sa Malaysian National Basketball League (MNBL) at sa ABL, ay kabilang sa mga makikipagsapalaran.

Sumali sya sa nakarang 2010 NBA Draft ngunit hindi sya nakuha.

“I want to go back and play in the mother land,” ani Scharer na ang Filipinang ina ay tubong Bauang, La Union.

“My goal in life has always been to make the NBA and playing professionally in the Philippines is just one step closer,” dagdag nito.

Maliban kay Scharer, tinataya ring makukuha sa first round sina Fil-Am Julian Sargent ng De La Salle at Fil-Canadian Ryan Witherell, ang 38th overall pick ng GlobalPort noong nakaraang PBA draft na hindi nakapirma ng kontrata.

Kabilang naman sa mga kilalang homegrown aspirants sa Draft sina Alfonso Gotladera at Von Rolfe Pessumal ng Ateneo at Jason Perkins ng De La Salle. (Marivic Awitan)