Magpapatupad ng panibagong oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Petron at Pilipinas Shell simula madaling araw ngayong Martes.

Sa anunsyo ng Petron epektibo 12:01 ng madaling araw ng Nobyembre 24, magtatapyas ito ng 80 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene, 75 sentimos sa gasolina at 50 sentimos sa diesel.

Bandang 6:00 ng umaga naman magbaba ang Shell ng 80 sentimos sa kerosene, 65 sentimos sa gasolina at 45 sentimos sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya sa kaparehong bawas-presyo sa produktong petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Relasyon at Hiwalayan

'Lahat kakayanin!' Ruru, 'di naniniwala sa '7-year itch'

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Bella Gamotea)