CAMP JUAN, Ilocos Norte – Isang lalaki na tinangkang saksakin ang sariling ama ang namatay matapos siyang paghahatawin ng panggatong ng kanyang ama bilang depensa nito sa Barangay Abaca, Bangui, Ilocos Norte, nitong Biyernes.

Kinilala ni Senior Insp. Crispin Simon Jr., hepe ng Bangui Police, ang biktimang si Freddiemil Ramos, 41, ng Bgy. Abaca, Bangui, na hindi na umabot nang buhay sa Bangui District Hospital dahil sa matinding sugat na natamo sa kanyang ulo at leeg.

Kusang-loob namang sumuko sa awtoridad si Alfredo Ramos, 63, ama ng biktima, matapos ang insidente.

Iginiit ng suspek na dinepensahan lamang niya ang sarili dahil tinangka siyang saksakin ng anak, na noon ay lasing, sa gitna ng kanilang pagtatalo. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito