Lumagda ang Taiwan at Pilipinas sa isang kasunduan na nangangako ng kawalan ng karahasan sa mga pinagtatalunang fishing zone, inihayag ng Taiwanese authorities noong Huwebes.

Nangyari ang kasunduan, nilagdaan nitong unang bahagi ng buwan ngunit inihayag noong Huwebes, matapos ang mahigit dalawang taong mga pag-uusap kasunod ng pagkakabaril at pagkamatay ng isang mangingisdang Taiwanese sa pinagtatalunang tubig sa bahagi ng Pilipinas, isang insidente na nagpaasim sa relasyon ng dalawang bansa.

“After several rounds of negotiations in the past two years, Taiwan and the Philippines concluded the Agreement Concerning the Facilitation of Cooperation on Law Enforcement in Fisheries Matters,” sabi ng foreign ministry.

Sa ilalim ng kasunduan, nangangako ang magkabilang panig na iiwasan ang karahasan o unnecessary force sa pagpapatupad ng batas. Isang emergency notification system ang itatayo at ang mga idinetineng sasakyang pandagat at crew ay pakakawalan sa loob ng tatlong araw.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Gayunman, hindi sila magkasundo kung hanggang saan pahihintulutan ng Pilipinas ang mga bangka ng Taiwan na mangisda -- muling magpupulong ang mga opisyal sa susunod na taon para talakayin ang isyu, ayon sa ministry. (AFP)