Untitled-3 copy

Warriors vs Clippers.

Sinuwag ng Golden State Warriors ang Los Angeles Clippers, 124-117, sa kanilang laro nitong Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila) para sa kanilang ika-13 sunud-sunod na panalo sa pagsisimula ng season.

Lumapit pa lalo ang Golden State Warriors sa pagtatala ng pinakamahabang perpektong pagsisimula matapos na umahon sa posibleng kabiguan bago iniuwi ang 13-0 kartada sa pagtatala ng 124-117 panalo kontra sa Los Angeles Clippers.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Umiskor si Stephen Curry ng 40-puntos kung saan naghabol ang Warriors mula sa 23-puntos sa pagkakaiwan sa unang hati ng labanan para itala ang pinakaunang 13 sunod na pagwawagi ng koponan sa pagsisimula ng taon sa pagpapalasap ng kabiguan sa Clippers.

Ang rekord para sa perfect start ay 15-0 na itinala naman noong 1993-94 na Houston Rockets sa pamumuno ni Hakeem Olajuwon sa kanyang natatanging taon na naging Most Valuable Player.

Nabigo ang Houston sa kanilang ika-16 na laro kontra sa Atlanta sa 22 na abante bago tinapos ng Rockets ang buong season sa 43-24. Nagawa nitong iuwi ang titulo nang talunin ang Knicks sa pitong laro.

Nagdagdag naman si Klay Thompson ng 25-puntos habang si Harrison Barnes ay may 21 at si Draymond Green ay may 19 para sa Warriors na isa sa apat na koponan sa kasaysayan ng NBA na nagawang magtala ng 13-0.

Nagawa rin pagandahin ng defending champions ang kanilang rekord sa pagdayo sa 6-0 kartada.

Nagtala naman si Chris Paul ng season-high 35 points, kabilang ang 18 para pag-initin ang Clippers sa opening quarter matapos hindi makapaglaro ng dalawang laban dahil na namamaga na kanang groin. Nagdagdag si Blake Griffin ng 27 puntos habang si Jamal Crawford ay may 15.

Sa ibang laban, umiskor si LeBron James ng 27-puntos habang nagdagdag si Kevin Love ng 22 at 15 rebounds upang suwagin ng Cleveland Cavaliers ang nakalabang Milwaukee Bucks, 115-100, Huwebes.

Pinutol ng Cleveland ang dalawang sunod nitong kabiguan at nakapaghiganti rin sa double-overtime na kabiguan kontra Milwaukee, Sabado ng gabi. Nangunguna ngayon ang Cavaliers sa Eastern Conference sa 9-3 kartada.

Nagtala naman si Giannis Antetokounmpo ng career-high 33-puntos para sa Milwaukee kung saan naghabol ang Bucks mula sa 21-puntos sa ikalawang yugto bago dumikit sa 84-79, sa ikatlong yugto.

Gayunman, binitbit ni Anderson Varejao, na nanggaling sa bench sa agad na pag-iskor ng siyam na puntos, ang Cleveland na palakihin muli ang abante sa 97-84. Umiskor din si James ng anim na puntos at si Love ay nagawa ang isang three-point play sa krusyal na punto ng laban.

Nagdagdag din si J.R. Smith ng 18 puntos para sa Cleveland.