Arestado ang dalawang lalaki makaraang ireklamo ng isang dalaga na umano’y halinhinang nanghalay sa kanya matapos siyang malasing kahapon, sa Tayabas City, Quezon.

Ayon sa Tayabas City Police Office (TCPO), nakipag-inuman ang 19-anyos na biktima sa bahay ng isa sa mga suspek na kinilala lamang sa mga pangalang Bert, 26; at Erning, 24 anyos.

Matapos malasing ang dalaga ay dinala siya ng mga suspek sa isang abandonadong lugar at doon halinhinang ginahasa.

Itinanggi naman ng dalawang suspek ang panggagahasa at sinabing kagustuhan ng dalaga ang nangyari. (Fer Taboy)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog