Kinilala ang Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) bilang isa sa 20 miyembro ng makapangyarahang Asian Volleyball Confederation (AVC) Board of Administration noong Miyerkules sa isinagawang 21st AVC General Assembly at Movenpick Hotel Riyadh sa Saudi Arabia.

Ito ay matapos iluklok muli si Dr Saleh A. Bin Nasser ng Saudi Arabia bilang presidente ng AVC para sa susunod na apat na taon mula sa matinding suporta ng 61 pederasyon mula sa 65 na affiliated nitong national federations na dumalo sa aktibidad.

Matapos ang eleksiyon para sa panguluhan ng AVC ay pinili ang bagong 20 bagong miyembro ng AVC Board of Administration na magmumula sa limang AVC Zonal Associations na kinabibilangan ng LVPI.

Napili ang LVPI para sa Southeastern Zone kung saan makakasama ni Jose A. Romasanta ng Pilipinas sina Shanrit Wongprasert ng Thailand at Tran Duc Phan ng Vietnam.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mismong si FIVB at AVC Honorary Life President Wei Jizhong ang nagsagawa ng proseso para sa eleksiyon sa paghahayag sa lahat ng dumalo na si Dr Saleh A. Bin Nasser ang tanging kandidato bilang AVC President.

“I would like to thank FIVB President Dr Ary Graca for being with us all this time. Furthermore, I would like to express my sincere gratitude to everyone here. I promise that I will do my best to serve for volleyball. I will represent AVC and FIVB for global development of volleyball. This is a big encouragement for me. I could not find words grand enough to say thank you. Thank you very much,” pagpapasalamat naman ni Nasser.

Kabilang din sa Board of Administration ang mga napiling presidente mula sa Western Zone, Central Zone, Eastern Zone at ang Oceania Zone. (ANGIE OREDO)