Nakatayo si President Barack Obama sa harapan ang lumang barko ng Philippine Navy noong Martes at nangakong palalakasin ang seguridad sa mga dagat sa paligid ng island nation – binuksan ang anim na araw na diplomatic tour sa Asia na posibleng mahahati sa matagal nang iringan sa rehiyon at ang kagyat na pagkabahala sa Islamic extremism na gumigiyagis sa Europe at Middle East.

Sa kanyang pagbisita sa BRP Gregorio del Pilar, isang dating warship na pag-aari ng U.S., inanunsyo ni Obama na magkakaloob ang U.S. ng dalawang karagdagang barko sa Philippine Navy — isang U.S. Coast Guard cutter at isang research vessel.

“We have a treaty obligation, an ironclad commitment to the defense of our ally, the Philippines. You can count on the United States,” sabi ni Obama, habang nakamasid ang mga tropa ng U.S. at Pilipinas. “My visit here underscores our shared commitment to the security of the waters of this region and to the freedom of navigation.” (AP)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'