Nakasentro ang kasunduan ng bansa at ng Chile sa sektor ng agrikultura, partikular sa produksiyon ng bigas.
Ito ang kapwa sinang-ayunan nina Chilean President Michelle Bachelet at Pangulong Aquino bukod pa sa usapin sa disaster management.
Ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr., ibabahagi ng Pilipinas sa Chile ang teknolohiya at expertise nito sa larangan ng rice production.
Bukod pa rito, napagkasunduan din ng dalawang leader ang patuloy na pagpapalawak ng kooperasyon sa enerhiya at pagpapaunlad sa likas na yaman, na kilalang eksperto ang Chile.
Sa pag-uusap, kusang-loob na inialok ni Bachelet ang tulong ng kanyang gobyerno sa pagpapaunlad ng pagmimina, bagay na tinanggap ni Aquino.
“Parehong pinalawak ang kooperasyon sa enerhiya at natural resources development. PH’s Energy Development Corp. owns 70 per cent of Mariposa geothermal project in CL in joint venture with CL’s Compania de Energia. Pres. Bachelet offered assistance in sharing CL’s extensive experience in mining development. Pres. Aquino welcomed and accepted this offer,” wika ni Coloma. (Beth Camia)