Apat na miyembro ng isang pamilya ang napatay habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos silang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa North Cotabato nitong Lunes ng gabi, iniulat ng pulisya kahapon.

Away-pamilya ang nakikitang motibo ng pulisya sa pamamaril ng mga suspek dakong 7:30 ng gabi sa Purok 1, Barangay Ugalingan, Carmen, North Cotabato.

Kinilala ng Carmen Municipal Police ang mga napatay na sina Ibrahim Agal, 50; Mustafa Agal, 12; Pama Agal, 10; at Sarah Agal, siyam na taong gulang.

Agad namang naisugod sa ospital ang mga nasugatang sina Jerry Agal, 42; Mokamad Agal, 18; at Nasrodin Agal, 9, pawang taga-Purok 1, Bgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng hindi nakilalang mga armadong lalaki ang bahay ng mga biktima at pinagbabaril ang mga ito gamit ang .45 caliber pistol at M-16 armalite rifles.

Ayon sa report, agad na namatay ang apat sa mga biktima.

Patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng pulisya. (FER TABOY)