Resulta ng pagkakasangkot sa iligal na aktibidades, isang tambay ang namatay matapos pagbabarilin ng hinihinalang kaalitan sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ang biktima na Nicole Quizora, 45, ng Bgy. Bagong Pagasa, Quezon City. Agad siyang namatay dahil sa sampung tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Julius Raz ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Philippine National Police, dakong 9:30 ng gabi kamakalawa, naglalakad si Quizora sa Manga St., Sitio San Roque, Barangay Pagasa ng lungsod nang biglang sumulpot ang armadong suspek.

Hinala ng pulisya, may kinalaman sa iligal na droga ang pamamaslang. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya