GAPAN CITY - Malalim na saksak sa puso ang ikinamatay ng isang 23-anyos na dalaga sa kamay ng kanyang live-in partner sa compound ng Reymar Ricemill sa Sitio Punot, Barangay San Roque, sa lungsod na ito.

Sa ulat ni Supt. Nelson Aganon, hepe ng Gapan City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, nakilala ang biktimang si Mary Lean Lacanaria Monares, tubong Lucena, Iloilo, at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Nagtatalo sina Monares at kinakasamang si James Anthony Quinto y Cabrera, 21, tubong Bgy. Nazareth, Gen. Tinio, na nauwi sa pananaksak ng suspek. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog