Sumuko kahapon sa pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang pamilya sa Barangay Cansalongon, Isabela, Negros Occidental, noong nakaraang linggo.

Kakasuhan ng multiple murder at frustrated murder ang suspek na kinilala ni Chief Insp. Anthony Grande, hepe ng Isabela Municipal Police, na si Jemar Carpio, 27 anyos.

Si Carpio ay isinuko ng kanyang mga magulang.

Batay sa salaysay ng suspek, matapos ang krimen ay apat na araw siyang nagtago sa Barangay San Agustin at naglakad patungo sa hangganan ng Negros Occidental at Oriental, para sumakay doon ng motorsiklo patungong Guihulngan City upang makasakay siya ng Ro-Ro papuntang Cebu.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inamin ni Carpio na gumamit siya ng droga bago niya pinatay sina Ricardo Carpentero, 57; Consuelo Carpentero, 59; at anak ng mga ito na si Carlo, 23 anyos. Nakaligtas naman bagamat nasugatan ang isa pang anak ng mag-asawa na si Shiela.

Nagalit umano si Carpio nang hindi paglaruin ng online games sa computer shop ng mga Carpentero. (Fer Taboy)