LUPAO, Nueva Ecija - Isang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang 57-anyos na retiradong sarhento ng pulisya matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa canteen ng Lupao public market sa Barangay Poblacion North sa bayang ito, nitong Biyernes ng madaling-araw.

Sa ulat ng Lupao Police kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si retired SPO1 Gregorio Domingo y Balucanag, alyas “Benito Warshock”, ng Bgy. Poblacion West, na nabaril sa ulo.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Baby John Macadangdang, dakong 4:45 ng umaga nang nagtungo sa palengke ang biktima kasama ang asawang si Leonida Domingo y Paladan para magbukas ng kanilang meat shop, ngunit nagutom ang biktima at nagtungo sa canteen nang biglang sumulpot ang suspek na binaril siya nang malapitan.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog