AYON sa Social Weather Stations (SWS), aabot sa 10 milyong Pilipino ang kasalukuyang walang trabaho o naghahanap ng trabaho.

“Silang walang sahod (sws)”ay may malaking bilang. Halina at gumawa tayo ng mas maraming trabaho sa pamamagitan ng pakikipagkooperasyon ng government-private sector.

Ayon pa sa SWS, lumalabas sa pinakabagong survey (Setyembre) na ang jobless rate sa ikatlong quarter ay nasa 23.7 porsiyento.

Marami sa ating populasyon ang walang pinagkakakitaan at maaaring maging desperado.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nilinaw ng nasabing ahensya na ang survey ay binubuo ng mga indibidwal na nasa edad 18 pataas na walang trabaho at naghahanap ng trabaho. Hindi kabilang sa survey ang mga trabaho na hindi naghahanap ng trabaho, katulad ng mga housewife at mga retirado.

Parehong walang kalaban-laban ang mga bata at matatanda. Iligtas natin sila mula sa kahihiyan at kawalang pag-asa.

Naoserbahan ng SWS na “joblessness has been above 20 percent since November, 2010, reaching as high as 34.4 percent in March, 2012, except in March, 2015, when it fell to 19.1 percent.”

Ang mga nasabing bilang ay sumasalamin na mismo sa kanilang sarili…

Ayon pa sa nasabing survey firm, taong 2009 at Marso 2012 nang maitala ang pinakamataas na bilang ng mga Pilipinong walang trabaho na umabot sa 34.4 porsiyento. Ang mga nasabing bilang at panahon ay tila may nais iparating, kabilang na ang mga tao at pangyayari na sisihin.

Lumalabas sa SWS survey na karamihan sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay mga adult na umalis sa kanilang trabaho (8.4 porsiyento o 3.6 milyon noong Setyembre, mula 11 porsiyento o 4.7 milyon noong Hunyo), na naging (11.7 porsiyento o 5 milyon, mula 10 porsiyento o 4.4 milyon) at ang mga indibidwal na unang beses na sumubok maghanap ng trabaho ay nasa (3.6 porsiyento o 1.5 milyon mula 3 porsiyento o 1.3 milyon).

Oras na para aksiyunan ang kakulangan sa trabaho at itaas ang postibong pananaw ng mga Pilipino.

Isa sa pinakamabilis na solusyon ay ang paggawa ng gobyerno ng mas maraming trabaho sa pamamgitan ng iba’t ibang proyekto ganoon din ang mga pribadong sektor na mag-alok ng mas maraming trabaho.

Mas maraming trabaho, please, at wag mag-impok ng yaman. (FRED LOBO)