BATANGAS CITY - Natagpuang patay sa loob ng kainan ang isang empleyado matapos tupukin ng apoy ang gusali malapit sa palengke ng Batangas City.

Umabot din ng may kalahating oras bago naapula ang apoy at natagpuan sa loob ng gusali ang biktima na nakilala lamang sa pangalang Catherine.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) dakong 7:00 ng umaga nitong Nobyembre 10 nang masunog ang La Suerte Bakery na pag-aari ni Mawel Ong.

Nasunog din ang katabing Bukatots Food Station, na roon empleyado si Catherine, na hindi na nagawang makalabas.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na nagsimula ang sunog dahil sa gas leak hanggang sa sumiklab ang apoy sa gusaling nasa Rizal Avenue, sakop ng Barangay 18 sa lungsod. (Lyka Manalo)