Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng Bureau of Customs (BoC) at Presidential Commission on Good Government (PCGG) na kumikilala sa hinahabol na mga nakaw na yaman ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, pamilya nito at ng mga malapit sa kanila at maibalik sa National Treasury.

Ang PCGG ang naatasang bumawi, magpabalik, at kumuha sa lahat ng sinasabing mga nakaw na yaman mula sa mga Marcos at mga crony nito. Ang BoC naman ang pangunahing ahensiya ng gobyerno na naatasang magpahinto, pumigil, at umusig dahil sa paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines.

Sa ilalim ng memorandum, inaako ng BoC at PCGG ang responsibilidad sa matagumpay na pisikal na imbentaryo at pagsusubasta sa Marcos Jewelry Collection. Isang Inter-Agency Working Group ang makikipag-ugnayan sa magkabilang partido at iba pang mga nangangalagang opisina ng pamahalaan upang isakatuparan ang nilalayon. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'