SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Inaalam pa ng pamilyang naulila ng isang 34-anyos na binata ang motibo sa kanyang pagpapakamatay matapos siyang matagpuang nakabigti sa isang puno ng mangga sa bukid sa Barangay San Mauricio ng lungsod na ito, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ng San Jose City Police ang nagpakamatay na si Ricardo Guillermo y Bautista, binata, ng Bgy. Maragul, Science City of Muñoz.

Isang residente ang nakadiskubre sa bangkay ni Guillermo, na nakitang nakabitin sa puno.

Light A. Nolasco
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog