Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga gulay, lalo na ang kamatis at sibuyas.

Sa mga palengke, nasa P110 ang kilo ng repolyo na dating P90/kilo; ang petchay na dating P5/tali ay P20/tali na; ang sitaw ay P50/tali mula sa dating P30/tali.

Ang sibuyas at kamatis na isinasangkap sa halos lahat ng putahe ay P90/kilo mula sa dating P70/kilo.

Ayon sa mga mamamakyaw, matumal kasi ang rasyon mula sa Norte dahil sa El Niño at ang iba namang pananim sa Baguio ay sinira ng nagdaang bagyong “Lando.” Tinatayang patuloy na tataas ang presyo ng mga gulay sa Kapaskuhan.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

(Orly L. Barcala)