Alden at Maine copy

LAST Friday, sa kalyeserye ng Eat Bulaga, pinayagan na ni Lola Nidora (Wally Bayola) na mag-guest sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) sa grand finals ng “Gaya-Gaya Pa More” (Sabado, November 7). Gusto niya, sabay na mag-perform ang dalawa as a love team. Nagbigay siya ng tatlong love teams na puwedeng gayahin, sina Barbie at Ken; Guy & Pip; at Justin Bieber at Myle Cyrus.

Tumama ang sinulat namin na kung gusto ng AlDub Nation ang ‘kilig pa more’ sa paggi-guest nina Alden at Maine, ang gayahin nila ay sina Nora Aunor at Tirso Cruz III.  

Sina Guy & Pip ang tinaguriang Phenomenal Love Team noong 70s. Kung sa sweetness ng love team noong 70s, wala nang tatalo sa kanilang dalawa. Maraming taon na ang nakararaan, marami nang nangyari sa buhay nila, personal at sa career, wala pa rin silang kupas hanggang ngayon kapag nagkasama sila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naikuwento nga ni Lynn Cruz, wife ni Tirso, nang magkaroon ng talk sa isang fellowship si Pip sa Iloilo City, nilapitan sila ng fans at tinanong si Pip kung totoong sila ni Guy. Nagpasalamat daw si Pip sa AlDub fans na through the years, hindi pa rin pala nalilimutan ng mga tao ang love team nila ni Guy. Nagbigay din siya ng advice na mahalin nila ang mga iniidolo nila, sina Alden at Maine at huwag silang pabayaan. May request nga raw ang AlDub fans na sana makagawa sila ng project na magkakasama silang apat.

Maganda ang ginawa ng Eat Bulaga na ipinagtayo ng set sa Broadway studio na parang isang malaking garden at nag-open ang performance na kinakanta ni Alden by lipsync ang Maria Leonora Theresa at may hawak siyang manyika. Nagaya ni Alden ang kilos, buhok at pananamit ni Pip. Kinanta naman ni Yaya Dub ang Pearly Shells ni Guy with matching nunal sa left cheek at ganoon din ang ayos ng buhok at dress nito in 1970s. Kuhang-kuha rin ni Maine ang acting at pagsasalita ni Guy. Nag-dubsmash pa siya ng famous lines ni Guy sa mga ginawa nitong pelikula.

Then nag-duet na sila ng Together Again, ang theme song ng Guy & Pip, although sweet na sina Alden at Maine, hindi pa rin todo, hanggang sa pagkapit lamang ni Maine sa braso ni Alden, at pagyakap ni Alden sa waist ni Maine, dahil nagagalit pa rin si Lola Nidora kahit sinasabi nina Tidora (Paulo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo) na hayaan na lamang ang dalawa.

Bukod sa manyika, may three long-stemmed red roses din si Alden na ibinigay kay Maine na ang ibig sabihin daw ay ‘Al Dub You.’ Ibibigay na rin sana ni Alden kay Maine ang singsing na nakuha nila sa bahay ni Lola Nidora last week, dahil sabi sa sulat ay ibigay niya sa babaeng gusto niyang makasama habang buhay, pero nawawala ang singsing. Nagalit na naman si Nidora kay Alden dahil sa kanya raw pangangalaga iniwanan ang singsing. Saan kaya napunta ang singsing?

Natawa kami sa post sa Twitter na kunwari ay siya ang manikang si Maria Leonora Theresa, na nagtatampo raw siya kina Alden at Maine, na dahil daw sa singsing na nawawala, nakalimutan na nila siyang damputin, mabuti na raw lamang kinuha siya ni kuya. She needs an explanation daw, ha-ha-ha! (NORA CALDERON)