Jessy-Mendiola-1 copy

NAGSUSULPUTAN ang ilang pangalan ng Kapamilya actresses simula nang umatras si Angel Locsin sa role bilang Darna sanhi ng kanyang iniindang spine injury.

Kasama sa sinasabing pinagpipilian na papalit sa nasabing role sina Liza Soberano, Nadine Lustre, Julia Montes, Kathryn Bernardo at si Jessy Mendiola.

Aminin man at hindi ni Jessy, excited siyang maging Darna. To think, napaka-timely naman ng kanyang ini-upload sa Instagram na larawang naka-red bikini habang nasa beach. Ang pagpo-post ba niya na naka-two-piece bikini ay pagpapahiwatig na nais niyang gumanap bilang Darna?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Wala siyang meaning, wala siyang hint, wala siyang para-paramdam, wala. Not at all. I just thought na alangan namang mag-post ako na naka-turtleneck sa beach? It’s just really funny when people put ideas sa mga posts mo. Para sa akin, I went on a vacation in a beach so I think it’s pretty normal to post a picture of wearing a bikini or any beachwear,” paliwanag ni Jessy.

Sino sa palagay niya ang nababagay na maging Darna?

“I think anyone, kahit hindi ako ang mapili, kung gagawin mo ang role na ‘yun, you’re supposed to be ready for all the bashing also and ‘yung mga hindi nag-a-agree na you should portray the role. If ever you get chosen also, I think you have to undergo proper training.

“You also have to prove to them kung bakit ka ba pinili. It’s because you can be your own Darna,” katwiran niya.

“Ikaw ‘yun, eh, ikaw ang napili. It’s up to you on how you will make it different from hers.”

Kasama rin si Jessy sa seryeng You’re My Home with Richard Gomez at Dawn Zulueta na premiere telecast na sa Lunes, November 9, sa ABS-CBN primetime, kapalit ng Pinoy Big Brother. (ADOR SALUTA)