Kinasuhan ng disbarment sa Supreme Court (SC) ang abogadong si Trixie Angeles, ang legal counsel ng pinatalsik na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca at ng kanyang asawang si Jinky.

Sa limang pahinang complaint-affidavit, inakusahan ni Roselie Yanson, ina ng kasambahay ng mga Menorca na si Abegail Yanson, si Angeles ng paglabag sa kanyang sinumpaan bilang abogado at sa rules of ethics sa ilalim ng Code of Professional Responsibility dahil sa patuloy na pagdetine sa kanyang anak.

Nakasaad sa reklamo na batid ni Angeles na ikinukulong ng mga Menorca si Abegail laban sa kalooban nito upang gawing saksi laban sa INC, at “Atty. Trixie Angeles helped and aided the Menorcas in preventing the complainant from being with her daughter.” (PNA)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter