Isasara pansamantala ang buong pasilidad ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex upang magsilbing security command center sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa bansa simula Nobyembre 16 hanggang 20.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. na kabuuang 15,000 uniformed personnel mula sa Philippine National Police (PNP) at tatlong sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na Army, Air Force at Navy ang gagamit sa pasilidad sanasabing arawpara sa APEC.

“Just like the Papal visit, they will utilized the facility as their primary command post,” sabi ni Iroy Jr. saan gagamitin ng mga militar ang mga billeting quarters na nasa baseball at football field, ang Ninoy Aquino Stadium at ang Rizal Memorial Swimming pool.

Kabilang din ang Rizal Memorial Sports Complex sa mga lugar na tinaguriang “no fly zone.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mas paiigtingin naman ang seguridad sa mga susunod na araw sa mga malalapit na lugar na pagdadaanan ng mga matataas na opisyales na dadalo sa aktibidad maging sa mga paggaganapan ng pulong at iba’t ibang programa. (ANGIE OREDO)