Umaasa ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) na sasanib at tuluyang makikiisa ang katunggali nitong Philippine Volleyball Federation (PVF) sa kanila upang maisaayos at maisakatuparan ang pinakamimithi na pagkakaisa at pagpapaangat sa larong volleyball sa bansa.

“We are opening our doors, even the windows to them in the hope of lifting up and provide direction to the sports we all love that is volleyball,” sabi ni LVPI Board member at referees, coaches and athletes commission chairman Atty. Ramon Malinao.

Aminado si Malinao na patuloy pa rin ang tinatalakay ang isinampang kaso ng PVF sa Pasig Regional Trial Court bagaman nakahanda ang LVPI na idepensa at ibigay ang lahat ng dokumento na makakapagpatunay na kinikilala ito ng world governing para sa volleyball na Federation Internationale des Volleyball (FIVB).

“We know that there is still a pending petition in Pasig RTC but we will be ready if the court calls us,“ paliwanag pa ni Malinao habang kasama si LVPI vice-president Pedro Cayco.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandaan na isa si Malinao sa miyembro ng binuong komite ng Philippine Olympic Committee (POC) upang ayusin at buuin ang asosasyon ng volleyball sa bansa na nagresulta sa pagkakabigo ng LVPI.

Samantala’y hindi lamang sa kalidad ng laro kundi pati sa talento at husay ang inaasam na makamit ng LVPI sa nais nitong pagbubuo ng iba’t ibang pambansang koponan.

“We have many different tournaments like the Asian Games, Southeast Asian Games, Under 23, Under 18 and the Under 16 which really needed players,” sabi naman ni Cayco.

Ito ang dahilan kung kaya nais ng LVPI na magbuo ng mga eksklusibong national pool upang mapanatili nito ang konsentrasyon ng mga manlalaro na magrerepresenta sa bansa sa mga internasyonal na torneo.

Kapag napili ang isang manlalaro sa pool ay lilimitahan na lamang sa mga paglalaruang torneo maliban doon sa mga inirerepresenta nilang unibersidad o eskuwelahan. (ANGIE OREDO)