CARACAS, Venezuela (AP) — Nangangako si Venezuelan President Nicolas Maduro na aahitin niya ang kanyang bigote, na naging tatak na niya, kapag hindi naabot ng socialist government sa katapusan ng taon ang target nitong pamamahagi ng mahigit isang milyong pabahay.

Natawa ang mga kaibigan at kaaway ni Maduro nang pabiro niyang ipinangako na aahitin ang kanyang bigote kapag hindi naabot ang target. Inulit niya ang pangako noong Huwebes sa Housing Minister.

“If by December 31 we have reached the 1 million mark, I’ll cut off my moustache as a form of self-punishment so everyone knows we didn’t meet the goal,” ani Maduro sa isang seremonya para ipamigay ang 2,520 apartment sa isang housing project na ipinangalan sa namayapang si President Hugo Chavez.

“My moustache depends on you Minister, and more than my moustache, the housing projects depend on us. We can’t fail,” aniya.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo