May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

Unnamed Moon crater, iminungkahing ipangalan sa namayapang asawa ng Artemis II astronaut

Unnamed Moon crater, iminungkahing ipangalan sa namayapang asawa ng Artemis II astronaut
Photo courtesy: NASA


Hiniling ng crew ng Artemis II na pangalanan bilang “Carroll” ang isang unnamed crater na namataan nila sa “surface” sa buwan.

Hango ang pangalang “Carroll” sa ngalan ng asawa ni mission commander Reid Wiseman, na nasawi noong taong 2020 dahil sa sakit na kanser.

Ayon sa National Aeronautics and Space Agency (NASA) noong Lunes, Abril 6, isa pang unnamed moon crater ang iminungkahing bigyan ng pangalan.

“To commemorate the Artemis II mission, the astronauts announced their suggestion to rename certain features on the Moon to honor the Orion spacecraft, named Integrity, as well as commander Reid Wiseman's late wife, Carroll,” saad ng NASA.

Paliwanag ng NASA, ang International Astronomical Unit (IAU) ay ang siyang responsable sa pagpapangalan ng ilang “planetary features,” gaya na lamang ng buwan.

Kadalasan, ang mga ito ay binibigyan ng pangalan hango sa mga explorers, scientists, o kaya naman ay mga inhinyerong pumanaw na matapos ang tatlong taon.

Sa kaugnay na ulat, matatandang gumawa ng kasaysayan ang Artemis II matapos nilang marating ang 252,757 milyang layo mula sa daigdig, na maituturing bilang pinakamalayong distansyang naabot ng tao mula sa Earth.

Mas malayo ito ng 4,102 milya kung ikukumpara sa dating record ng Apollo 13 na 248,655 milya noong taong 1970.

MAKI-BALITA: Artemis II, narating higit 200k milyang layo sa Earth; kinabog Apollo 13 record noong 1970-Balita