Nasa balag ng alanganin ngayon sina dating Justice Secretary Leila de Lima at ang matataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) at Department of Justice (DoJ) sa diumano’y illegal na pag-aresto at pagdetine sa isang prominenteng negosyanteng Korean.

Nagsampa ang negosyanteng si Kang Tae Sik, 71, ng kasong criminal at graft para sa arbitrary detention at abuse of authority sa Office of the Ombudsman laban kina De Lima, kanyang Undersecretary Ricardo Paras, BI Commissioner Siegfred Mison, Assistant Commissioners Gilbert Repizo, Abdullah Mangotara, Chief of Staff ni Mison na si Norman Tansingco, Intelligence Chief Carlitos Licas, at isang Alex Tan ng DoJ.

Idinadawit si De Lima sa pag-isyu ng personal memorandum na humihiling kay Mison na pabilisin ang deportation proceeding laban kay Kang, presidente ng Jinro Phils.

Si Kang ay inaresto sa kanyang opisina sa Makati at idinetine ng BID intelligence personnel noong Miyerkules sa bisa ng Warrant of Deportation na inisyu ni Mison habang naka-pending pa ang kasong deportation sa DoJ. (Leonard Postrado)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador