CAGAYAN DE ORO — Hinarang ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga residente na patungo sa isang kasalan sa Sitio Upper Bayugan, Barangay Kitubo sa bayan ng Kitaotao, Bukidnon, at dinukot ang tatlong lumad dakong 2:00 ng hapon nitong Miyerkules.

Kinilala ni PSupt. Gervacio Balmaceda, Jr., public informant officer ng Police Regional Office 10, ang mga dinukot na sina Samuel Paradero, 60; Beltran Paradero, 49, at Jovani Rebaca, 17, pawang residente ng Sitio Dao, Bgy. White Kulaman, Kitaotao.

Ayon kay Balmaceda ang tatlo ay patungo sa Bgy. Kipulot, Quezon, Bukidnon.

Ngunit ayon sa militar, kalaunan ay pinalaya ng mga rebelde sina Jovani at Samuel.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Rumesponde ang 8th Infantry Battalion at patuloy na nagsasagawa ng rescue operation katuwang ang mga pulis, ayon kay Col. Jesse Alvarez, Commander ng 403rd Infantry Brigade.

Sinabi ni Bgy. White Kulaman chairman Felipe Cabugnason na nagalit ang mga NPA sa pagpapatalsik ng mga lumad sa mga guro na nagpapatakbo ng isang eskuwelahan na walang permit ng Department of Education.

Isinara ang illegal na eskuwelahan matapos malaman ng mga lumad na ang mga bata ay hinihikayat maging rebelde ng mga volunteer teacher. (Camcer Ordonez Imam)