Hindi nalalayo ang kasalukuyang sitwasyon ng defending champion National University (NU) sa sitwasyon nila noong nakaraang taon.

Magkagayunman, sa kabila ng pagkakahalintulad, hindi nangangahulugan na magiging madali ito para sa Bulldogs.

Nagkukumahog na makausad sa Final Four sa ikalawang sunod na taon ng UAAP men’ s basketball tournament, nananatiling optimistiko si NU Bulldogs head coach Eric Altamirano na makakaya pa ng kanyang koponan na makalusot sa susunod na round upang patuloy na buhayin ang tsansang maipagtanggol ang kanilang korona.

“We’ve been here before, there is no reason why we can’t do it again,” pahayag ni Altamirano.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ngunit idinagdag din nito na may pagkakaiba ang kinalalagyan nila ngayon kumpara noong isang taon.

“This season we have to create our own miracles. It’s a lot harder but everything happens for a purpose,” paliwanag nito.

Sa taglay nilang barahang 5-7, panalo- talo, mabigat ang kailangang pagdaanan ng Bulldogs upang umusad ng semis kung saan mahigpit nilang kaagaw ang La Salle na may record na 5-6. (Marivic Awitan)