Mon Confiado copy

WALANG nag-akala na ang isang low-budgeted film at walang superstars na bida, gaya ng Heneral Luna, ay tatabo ng P250-milyon sa takilya.

Sa hiwalay na panayam kina John Arcilla at Mon Confiado, sinabi ng kapwa mahusay na aktor na lahat ng involved sa pelikula, maging ang producer, ay nasorpresa sa kinahinatnan ng pelikula sa takilya.

Kuwento ni Mon sa presscon ng Cinema One film fest, sa first week ng pagpapalabas ay flop ang Heneral Luna sa halos lahat ng sinehang pinaglabasan nito.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Out of 103 cinema na nakuha ng Heneral Luna sa opening day, kalahati nito ay nag-pull-out na makalipas ang isang linggo, dahil halos walang nanood sa filbio ng ating magiting na heneral.

“Ang totoo, hindi namin ini-expect na magiging ganun siya (kalaki ang kikitain ng Heneral Luna), kasi nung first week, out of 103 cinemas, naging 43 na lang siya,” kuwento ni Mon.

“So tsinek namin ‘yung mga sinehan nung first week, 10 or 20 lang nanonood. Pero ‘yung sampu o dalampu na ‘yun ang mahigit limang beses na nakanood, kasi hinihila na nila ang pamilya nila, mga kaibigan at walang katapusang post sa Facebook. Kasi ang pag-promote nun, sa Facebook lang, eh.”

Kaugnay nito, ibinida rin ni Mon na kasama siya sa indie film na Miss Bulalacao, isa sa mga ipalalabas sa Cinema One Originals Festival sa Trinoma, starting November 9.

Ang Miss Bulalacao ay istorya ng isang young drag queen, na nagbago ang buhay dahil sa isang kakaibang pangyayari.

Sa Biliran Island in Eastern Visayas ang location ng Miss Bulalacao.

“Pari ako rito,” sabi ni Mon. “Kasi parang may pagka-religion topic ‘yung movie. Kasi nabuntis ‘yung bading, so akala ng buong bayan ito na ‘yung second coming of Christ. Kasi ‘yung bayan naniwala sa kanya. Ako ‘yung pari ng bayan.” (Ador Saluta)