Nobyembre 1, 1939 nang i-display ang isang kuneho na isinilang sa pamamagitan ng artificial insemination sa 12th Annual Graduate Fortnight sa New York Academy of Medicine. Sa Harvard University isinagawa ng American biologist na si Gregory Pincus ang mga eksperimento.
Tinanggalan ni Pincus ng itlog ang obaryo ng kuneho, at na-fertilize ang itlog gamit ang salt solution. Inilagay ni Pincus ang fertilized na itlog sa uterus ng isa pang kuneho, na nagsilbi bilang “incubator”.
Unang nadiskubre ni Antoni van Leeuwenhoek ang spermatozoa, na nakatutulong sa fertilization. Taong 1784 nang isagawa ng siyentistang si Lazzaro Spallanzani ang unang artificial insemination sa isang aso, na nagresulta sa pagsilang ng tatlong tuta makalipas ang 62 araw.