Oktubre 29, 1969 nang maitatag sa Advanced Research Projects Agency Network (ARPANET), ang predecessor ng Internet, ang unang inter-computer link sa mundo. Gumagamit ang link ng Genie operating system.

Ipinadala ng University of California at Los Angeles (UCLA) student programmer na si Charley Kline ang unang mensahe gamit ang nasabing system dakong 10:30 ng gabi. Ang mensaheng “Lo” sa halip na “Login” ay nai-transmit mula sa UCLA computer ni Leonard Kleinrock patungo sa computer ng Stanford Research Institute, sa Menlo Park sa California. Isang oras matapos ang computer crash, isinagawa ang ikalawang transmission.

Ang ARPANET ang unang wide-area packet switching network sa mundo, at unang gumamit ng Honeywell DDP 516 computer na may 15 kilobytes ng memory.

Ang unang long-term ARPANET link ay binuo noong Nobyembre 21, 1969. Taong 1975 nang maging operational ang ARPANET.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’