(CNN)—Humingi ng tawad si dating British Prime Minister Tony Blair sa mga pagkakamaling kanyang nagawa sa U.S.-led invasion ng Iraq noong 2003, ngunit hindi niya pinagsisihan ang pagpapabagsak kay Saddam Hussein.

“I can say that I apologize for the fact that the intelligence we received was wrong because, even though he had used chemical weapons extensively against his own people, against others, the program in the form that we thought it was did not exist in the way that we thought,” sabi ni Blair sa isang exclusive interview na inilabas ng CNN noong Linggo.

Ang tinutukoy ni Blair ay ang claim na ang rehimen ni Saddam ay mayroong weapons of mass destruction, na ginamit na dahilan ng mga gobyerno ng U.S. at Britain sa paglusob. Ngunit lumabas na mali ang mga intelligence report na kanilang pinagbatayan.

Ang kasunod na digmaan at pagpapatalsik sa gobyerno ni Saddam ang naglublob sa Iraq sa kaguluhan, na nagresulta sa maraming taon ng madudugong sectarian violence at pag-angat ng al Qaeda sa Iraq, ang sinundan ng ISIS. Daan-daan libu-libong Iraqi, mahigit 4,000 tropang U.S. at 179 na sundalong British ang namatay sa mahabang digmaan.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

Bilang pinaka-high profile na banyagang kaalyado ni dating U.S. President George W. Bush sa paglusob sa Iraq, nabahiran ng digmaan ang pamana ni Blair, at sinusundan siya ng mga katanungan at batikos saan man siya magpunta.

Sinabi ni Blair sa CNN na bukod sa maling Iraq intelligence, humihingi din siya ng tawad “for some of the mistakes in planning and, certainly, our mistake in our understanding of what would happen once you removed the regime.”

Ngunit hindi niya lubusang inihingi ng patawad ang kabuuan ng digmaan.

“I find it hard to apologize for removing Saddam. I think, even from today in 2015, it is better that he’s not there than that he is there,” ani Blair.

Inamin ni Blair na mayroong “elements of truth” sa pananaw na ang 2003 invasion ng Iraq ang pangunahing dahilan ng pag-angat ng ISIS.

“Of course, you can’t say that those of us who removed Saddam in 2003 bear no responsibility for the situation in 2015,” aniya. “But it’s important also to realize, one, that the Arab Spring which began in 2011 would also have had its impact on Iraq today, and two, ISIS actually came to prominence from a base in Syria and not in Iraq.”

Sa tanong kung ano ang nararamdaman niya na binabansangan siyang “war criminal” sa kanyang naging desisyon na sumabak sa digmaan sa Iraq, sinabi ni Blair na ginawa niya ang sa tingin niya at tama nang mga panahong iyon.

“Now, whether it’s right or not, that’s for -- everyone can have their judgment about that,” aniya.