HABANG nagkakape at nagbabasa ng dyaryo sa paborito kong fastfood outlet, isang senior-jogger ang lumapit sa akin at nagkomento: “Ano ba talaga ang layunin ni Manny Pacquiao sa pagtakbo sa pagka-senador eh, sa Kamara lang ay numero uno siyang bulakbolero at apat na beses lang nakadalo sa sesyon?” Tagahanga siya ni Pacman bilang boksingero ngunit hindi sa pulitika. Ayon sa kanya, hindi na dapat madagdag si Manny sa ilang kasapi ng Senado na mga artista at basketbolista.

Ang dapat daw na maging miyembro ng Senado na kung tawagin ay “August Body” ay tulad ng dating mga senador na sina Camilo Osias, Cirpriano Primicias, Lorenzo Tañada, Lorenzo Sumulong, Claro M. Recto, Jose P. Laurel Sr., Francisco “Soc” Rodrigo, Ferdinand Marcos, Benigno “Ninoy” Aquino Jr., at iba pang matitinong mambabatas. Sila ay pawang magagaling at matatalino na inihalal ng mga tao dahil sa track record. Hindi dahil sumikat bunsod ng pagiging artista at atleta.

Well, layunin daw ni Pacquiao na higit na paglingkuran ang mga kababayan kapag siya’y naging senador. Sinabi ng senior-jogger na puwede namang paglingkuran ang taga-Sarangani at iba pang mamamayan kahit hindi siya maging pulitiko sa paggamit ng kanyang limpak-limpak na salapi sa livelihood projects, boxing clubs at clinics, at iba pang kapaki-pakinabang na proyekto para magkatrabaho ang mga tao.

Payo ng jogger, mag-boxing na lang siya. Baka raw kapag nasa Senado na, eh, gugugulin naman niya ang mga oras bilang isang pastor o basketbolista na kinahuhumalingan niya ngayon. Siyanga pala, dapat munang resolbahin ni Manny ang kanyang problema sa BIR. Dapat niyang bayaran ang sinisingil na buwis upang ipakita sa taumbayan na isa siyang good citizen.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Noong Sabado, bumulaga sa mga pahayagan ang pag-iisyu ng Supreme Court ng writs of habeas corpus at amparo upang puwersahin ang Iglesia ni Cristo (INC) na iharap si ex-Minister Lowell Menorca na dinukot umano nila. Bilang tugon sa petisyon ni Anthony Menorca, kapatid ni Lowell, nag-isyu si SC chief justice Ma. Lourdes Sereno ng gayong kautusan sa INC.

Tungkol yata sa pera o pondo ang ugat ng ‘di pagkakaunawaan sa loob ng INC. Maging ang Vatican City ay niyanig din kamakailan ng isyung pananalapi. ‘Di ba maging sa grupo ni Jesus Christ ay nagkaroon din ng pagtataksil dahil sa 30 piraso ng pilak? Ipinagkanulo siya ni Judas Iscariot. Talaga yatang ang salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan kapag ginamit sa maling pamamaraan!

***

Sa larangan ng pulitika, halatang dismayado si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa nabansot na ambisyong maging alkalde ng lungsod dahil ginusto ni Mayor Estrada na muling tumakbo. Siyanga pala, sino ba ang susuportahan ni Mayor Estrada, si Sen. Grace Poe na anak ng kanyang matalik na kaibigang si FPJ o si VP Jojo Binay na kabarkada niya sa pulitika? (BERT DE GUZMAN)